-- Advertisements --

Umagaw ng pansin at nagdulot ng tawanan sa session hall ng impeachment Court ang biro ni retired Supreme Court (SC) Chief Justice Artemio Panganiban kay Senator-Judge Risa Hontiveros.

Naganap ang magaan na palitan habang nagtatanong ang senadora sa ginagawang pagdinig ng Senado ukol sa Impeachment Court.

Nag-alok si Panganiban na maaari niyang sagutin sa isang private conversation ang mga katanungan ng senadora.

Humingi ng linaw ang senadora sa sinabi ng dating punong mahistrado ngunit muling nagbiro ang dating Chief Justice at sinabing dalaga naman ito at binata naman siya.

Agad ding itinuloy ni Hontiveros ang kaniyang mga opisyal na katanungan matapos ang maikling biruan.