LAOAG CITY – Patay nag isang lalaki matapos ang salpukan ng kulong-kulong at mini dump truck sa Barangay 17, Alviar, Vintar, Ilocos Norte.

Nakilala nag biktima na si Jefferson Daquioag Santos, 32, walang asawa, at residente sa Barangay 18 dito sa lungsod ng Laoag.

-- Advertisement --

Ayon kay Police Major Joseph Baltazar, ang chief of police ng PNP-Vintar, habang minamaneho ng biktima aag kanyang kulong-kulong na may karang isda na kanyang ibebenta ay nakabaggaan nito ang dumptruck na minaneho naman ni Resty Reyes, 34, at residente idiay Barangay 1, San Roque sa naturang bayan.

Sinabi nito na dahil sa nangyari ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kawatan ng biktima at nabali nag paa.

Nabatid na namatay ang biktima habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac.

Inaasahan naman na bukas, Abril 23 ay mag-uusap umano ang magkabilang kampo hinggil sa pangyayari.