Isinasapinal na ng Los Angeles Lakers ang two-year deal para makuha si three-time All-Star center Marc Gasol.

Ayon sa mga impormante, para magkaroon ng sapat na space para kay Gasol, ipinadala ng Lakers sa Cleveland Cavaliers si JaVale McGee at isang second-round draft pick.

Sina Jordan Bell at Alfons McKinnie naman ang ipadadala ng Cavs sa Lakers bilang kapalit.

Asam ni Gasol na masungkit ang kanyang ikalawang NBA championship sa paglipat nito sa Lakers.

Kung maaalala, nakuha ng 6-foot-11 big man ang unang kampeonato nito sa Raptors bago ito ilipat sa Memphis Grizzlies.

Noong nakalipas na season, nagtala ng average na 7.5 points at 6.3 rebounds sa loob ng 44 laro.