-- Advertisements --

Nagiging paboritong manalo ng maraming basketball analyst ang Los Angeles Lakers sa game 3 Western Conference semifinals nila ng Houston Rockets.

Ito ay matapos na agad na nakapag-adjust ang Lakers sa Rockets noong Game 2.

Napag-aralan umano ng Lakers ang laro ng Rockets noong sila ay natalo sa Game 1.

Ayon kay Lakers head coach Frank Vogel, na naglaan sila ng mga oras para pag-aralan ang laro ng Rockets.

Ilan sa tinukoy nito ang matagumpay na pagbantay kay Russell Westbrook at James Harden.