-- Advertisements --

Nakapagtala ng pagbaha sa ilang pangunahing lugar sa Metro Manila.

Sa Quezon City, bahagyang binaha ang E. Road Araneta intersection at EDSA Oliveros northbound, na umabot sa “gutter deep” ngunit nananatiling madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan.

Samantala, sa Makati City, nakapagtala rin ng pagbaha sa Estrella southbound, na may parehong antas ng tubig at passable pa rin sa mga motorista.

Ayon sa MMDA, ang mga pagbaha ay dulot ng patuloy na malakas na ulan na dala ng hanging habagat at epekto ng mga nagdaang bagyo.

Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa mga nabanggit na lugar at iwasan ang mabilis na pagmamaneho upang maiwasan ang aksidente.

Patuloy namang nakabantay ang mga lokal na pamahalaan at traffic management offices upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.