-- Advertisements --
Nagdesisyon ang Los Angeles Lakers na ibalik na lamang sa gobyerno ang kanilang nakuhang $4.6 million na federal loan para makatulong sa mga malilit na negosyo na apektado ng coronavirus pandemic.
Tanging ang koponan kasi sa NBA na nag-apply ng loan sa Payroll Protection Program at ito naman ay naaprubahan.
Matapos na mabalitaan na bumaba na ang pondo ng programa ay napagpasyahan na nila na ibalik na lamang ito.
Ayon pa sa koponan na nais nilang mapunta na lamang sa mga mas nangangailangan pa ang pera kaya minabuti na niyang ibalik ito.