-- Advertisements --
Nanatiling nakataas ang first alarm sa Marikina River matapos umabot sa 15.9 meter ang water level ng ilog dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa Marikina local government unit (LGU), naitala ang water level pasado ala-1:00 ng madaling araw ngayong Lunes.
Dahil dito patuloy na pinapayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog na lumikas bilang pag-iingat.
Kapag umabot naman sa 18 metro ang water level ng Marikina River, itataas ito sa third alarm kung saan magiging mandatory na ang evacuation sa mga apektadong residente.
Nauna nang itinaas ang second alarm nitong Linggo ng umaga matapos umabot sa 16 meter ang lebel ng tubig.












![Alvin Aragon sa mga ‘di nagsisimba: ‘Pag pera wala kang [pakialam] kahit may bagyo!’](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2026/08/Alvin-Aragon-100x70.webp)



