-- Advertisements --

Nirerespeto ng Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte sa pagkalas nito sa partido.

Sa pahayag na inilabas ni Party Secretary General Congressman Joboy Aquino, naiintindihan ng partido ang dahilan ng pangalawang pangulo na umalis sa partido.

Pinasalamatan din ng partido ang pangalawang Pangulo sa kaniyang naging serbisyo sa partido na malaking tulong sa pagbuo ng Unity team na naglalayong magdadala ng pagbabago sa Philippine society.

Suportado din ng Lakas CMD ang panawagan ni VP Sara na magkaisa ang lahat ng mga political leaders para suportahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para maging matagumpay ang kaniyang administrasyon para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Una ng inihayag ni Vice President Sara Duterte, na nasa pwesto siya ngayon dahil sa tiwala ng taong bayan at pagsilbihan ang mga ito, kaya ayaw niyang malason sa anumang political toxicity.

Ang pahayag ng Lakas-CMD kaugnay sa pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte.

” We thank Vice President Sara Duterte for the services she rendered to our party, the Lakas-CMD, as Party Chair, and for helping us build a Unity Team aimed at bringing meaningful change to Philippine society
As we respect her decision, we understand her reason for leaving the political party.
We also support her call for all political leaders to unite in support of President Ferdinand Marcos, Jr., and for all of us to work for the success of this administration for the benefit of our people.
We continue to believe in our shared vision that only a country united can lift the Filipino people out of poverty and ensure a better future for generations to come.”