Lahat ng sekta ng relihiyon ay hihingan ng suporta ng Pambansang Pulisya sa kanilang ilulunsad na giyera kontra droga lalo na sa “Oplan Tokhang Part 2” hindi lang ang simbahang Katolika.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, lahat ngsSekta ng relihiyon ay kasama dito at diskarte na ng kanilang mga chief of police na makipag-usap sa mga religious leaders sa kanilang Lugar.

Maliban sa mga Parish Priest ay maari ding humingi ng suporta ang mga ito sa mga Pastor sa kanilang lugar at sa mga IMAM naman sa mga Muslim community.

Layon nito para ipakita ang sinsiredad ng PNP sa kampanya nito laban sa iligal na droga at hingin din ang suporta ng lahat kontra dito

Binigyang-diin ni Dela Rosa na kahit sa mga Anti Drug Operations ay maari ding sumama ang mga religious leaders kung sila ay interesado.