-- Advertisements --

Iminungkahi ngayon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na gawing polisiya sa lahat ng ahensya ng gobyerno ang pagsakay sa pampublikong transportasyon kahit isang beses kada linggo.

Nauna na kasing naglabas ng direktiba si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na inatasang sumakay sa pampublikong sasakyan ang mga opisyal ng Department of Transportation.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, sinabi nitong mahalagang personal na maranasan ng mga opisyal ang hirap sa pagsakay upang tunay nilang maunawaan ang sitwasyon ng karaniwang mananakay at maging mas angkop sa kanilang trabaho ang kanilang mga desisyon.

“𝘈𝘯𝘨 𝘋𝘖𝘛𝘳, 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘶𝘵𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 ‘𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘬𝘢𝘺. 𝘒𝘢𝘴𝘪, 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘪𝘯𝘨, 𝘩𝘪𝘳𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘨𝘬𝘰𝘱 𝘺𝘶𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰, ” saad ni Inton.

Dagdag pa ni Inton, kung pati mga kongresista, senador at iba pang halal na opisyal ay sasakay ng pampublikong transportasyon, makakatulong ito hindi lang para madama ang hirap ng taumbayan kundi maging bahagi rin ng solusyon sa matinding trapiko, lalo na sa Metro Manila.

“𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯, 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘰𝘴𝘢𝘭 𝘥𝘪𝘯 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘴𝘢 𝘋𝘖𝘛𝘳, 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘰𝘴𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘨𝘨𝘦𝘴𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘦 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘋𝘖𝘛𝘳 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘭𝘪𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘩𝘦𝘯𝘴𝘺𝘢. 𝘠𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘰𝘱𝘪𝘴𝘺𝘢𝘭𝘦𝘴 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘱𝘢𝘳𝘵𝘢𝘮𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘴𝘦𝘴 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘤 𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵,” dagdag pa nito.

Sa huli, pinuri ng grupo ang kautusan ni Department of Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez at nanawagang gawing ehemplo ng pamahalaan ang pag-commute