Bikoy Advincula

Kinumpirma ni Sen. Panfilo Lacson na hindi muna matutuloy ang itinakdang hearing ng mataas na kapulungan kay sa nagpakilalang si alyas Bikoy sa Biyernes.

Ito’y matapos umanong hilingin ni Peter Joemel Advincula na patapusin muna ang halalan sa Lunes bago talakayin muli ang issue.

Sa isang panayam inamin ng senador na malaking bagay sana kung matutuloy ang pagdinig bago ang eleksyon para mismong taong bayan na ang humusga sa mga sasabihin nito.

Gayunpaman tutukan pa rin daw ng Senado ang magiging development ng mga binitiwang alegasyon ni Advincula.

Posible rin umano na padalhan nila ito ng subpoena kung magmamatigas na hindi dumalo sa pagdinig.