-- Advertisements --

Inihayag ng Senate Impeachment Court na hanggang ngayon na lamang maaring magsumite ng kanyang reply si Vice President Sara Duterte sa ipinadala nilang summons kamakailan.

Ayon kay Atty. Reginald Tongol, ang ikalawang pangulo ay binigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanyang kasagutan sa korte mula noong ito’y maibagay sampung raw ang makalipas.

Kung saan base raw sa sinusunod na nakasaad sa saligang batas, maaring ihain o ihabol pa ito ng kampo ni Vice President Sara Duterte hanggang mamayang bago mag-alas dose ng hating gabi.

Kaya’t ang kanilang panig o depensa ay mayroon pang ilang oras para bigyang linaw o ibahagi ang kanilang kasagutan.

Bunsod nito’y sineguro naman ng Senate Impeachment Court na tuloy pa rin ang pagproseso o pagsasagawa nila ng impeachment proceedings sakaling hindi maghain ng kanyang reply ang bise presidente.

Dagdag pa ng naturang tagapagsalita na ang kung tuluyang hindi magsusumite ang ikalawang pangulo ng kanyang reply to summons, wala naman aniya ito magiging parusa sa kanilang panig.

Ito’y sa kabila ng ibingay na pagkakataon sa kanila para ibahagi o ilahad ang kanilang istorya, panig, o pagbibigay linaw sa mga alegasyong kinasasangkutan.

Ayon pa kay Atty. Reginald Tongol, ang hindi paghahain ng reply sa ipinadalang summons ng Senate Impeachment Court ay pasya na ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte.

Aniya’y ito ay opsyonal lamang kaya’t nasa kanilang panig na kung maghahain o hindi na sila sasagot pa habang nagpapatuloy ang proseso ng Impeachment proceedings.