Kinumpirma ng Senate Impeachment Court na posible umanong humarap si Vice President Sara Duterte sa nakatakdang paglilitis sa pagpasok pa ng panibagong kongreso.
Ayon sa mga inihayag ni Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng naturang Impeachment Court, ang ikalawang pangulo ay inaasahang ipresenta ang kanyang sarili sa korte pagkatapos ng 19th congress.
Ani kasi niya na base sa sitwasyon ng skedyul o procedural process na sinusunod ng korte, tatawid ang impeachment proceedings sa pagpasok ng susunod na kongreso.
Kung saan kanyang ibinahagi na hindi umano maitatanggi na ang pagsasagawa ng impeachment trial ay magaganap pa pagkatapos ng kasalukuyang kongreso.
Ito aniya ay dahil sa mayroong mga hakbang kinakakailangan tuparin ng naaayon sa tamang proseso ng impeachment proceedings na kinakaharap ng bise presidente.
Dagdag pa rito, ang naturang tagapagsalita naman ay inilatag at ibinahagi na kung nasaang yugto na ang Senate Impeachment Court sa isinasagawa nitong proceedings.
Ayon kay Spokesperson Atty. Reginald Tongol, halos nasa kalahati na ng procedural process ang naturang korte sa mga hakbang nitong kinakailangang sundin.
Aniya’y nasa step 5 na sila kung saan hinihintay na lamang ang isusumiteng reply ni Vice President Sara Duterte sa ipinadala nilang summons kamakailan.
Kaya’t dahil rito ay inihayag niya ang paninindigang nagpapatuloy ang pagproseso ng korte sa impeachment at mariing iginiit na walang paghintong nangyari.
Sa kasalukuyan, kinumpirma ng naturang tagapagsalita na wala pa silang natatanggap na kasagutan mula sa bise presidente matapos nilang magpadala ng summons sa kanya.
Kung saan hanggang sa darating na Lunes na lamang ang itinakdang huling araw o petsa ang ibinigay na palugit sa kanya upang ibahagi ang kanyang reply.