Muling nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi siya makiki-alam sa isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa podcast interview ng Pangulo kaniyang sinabi na nasa lehislatura na partikular sa senado ang bola.
Binigyang-diin din ng Presidente na wala siyang anomang papel sa usapin ng impeachment.
Ipinunto ng Pangulong Marcos na sa trabaho niya iniuubos ang kanyang oras gaya ng pagtugon sa problema na may kinalaman sa transportasyon, bigas at iba pa.
Siniguro ng Pangulo na hindi siya manghihimasok sa impeachment gayung hindi na ito saklaw ng kaniyang trabaho.
” That’s not my… I’m busy with the transport, with the rice, with all of the different things that we are doing that nauubos ang oras ko doon. Wala naman akong papel doon sa impeachment,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.