Ikinokonsidera na sa ngayon ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na magbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na tumututok sa mga maanomalyang mga flood control projects sa bansa. Ito aniya ay dahil sa hindi umano’y ‘dissatisfaction’ na kaniyang natatanggap mula sa ibang kapwa senador.
Ani Lacson, kung mas marami umano sa mga senador ang walang tiwala at hindi nasisiyahan sa kaniyang trabaho bilang chairman ng komite ay mas mainam na aniya na bumaba na siya bilang chairman ng naturang komite.
Paliwanag pa ni Lacson ang mga naririnig niya umanong mga komento mula sa kaniyang mga kapwa senador ang nagtutulak sa kaniya para magsumite ng kaniyang resignation bilang chairperson ng blue ribbon committee.
Samantala, magugunita naman na nitong Sabado ay inanunsyo ni Lacson na pansamantala munang ‘suspended until further notice’ ang blue ribbon committee dahill sa mga dokumentong hindi pa aniya naihahanda para sa susunod na pagdinig.