-- Advertisements --

Itinanggi ni Senador Ping Lacson ang pagkakaugnay niya sa mga dokumentong nagsasaad umano ng ₱142.7 bilyong “budget insertions” ni Senate President Francis Escudero sa panukalang pambansang budget para sa 2025.

Depensa ng senador, hindi nagmula sa kanya ang mga dokumento dahil hindi pa tapos ang kanyang pagsusuri sa 2025 national budget, maging sa alokasyon noong nakaraang taon.

Dagdag pa niya, may hindi bababa sa isang item sa mga dokumento ang hindi tumutugma sa aktwal na nakita niya sa panukalang budget para sa 2025.

“Katunayan ang isang item doon di tugma sa aming findings. Mali pa ang numero doon… Kaya ako categorically sabihin ko wala akong kinalaman doon sa mga document na inilabas na meron siyang in-insert na P142. bilyon,” ani Lacson, na nabigyan din ng kopya ng mga dokumento.

Itinanggi na ni Senate President Francis Escudero ang alegasyon ng umano’y “budget insertions” na nakasaad sa mga dokumentong mula sa umano’y “sources,” at iginiit niyang ito ay politically motivated.