CAUAYAN CITY – Namatay ang isang laborer matapos aksidenteng malunod sa Purok 3, Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bayombong Police Station, ang nalunod ay na si John Paul Domine,28 anyos, binata, at residente ng Barangay District 5, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Batay sa pagsisiyasat ng Bayombong Police Station, ipinagbigay alam sa kanila ang pagkakalunod ng biktima ni Cartel Aban, 34 anyos, may asawa, construction worker at residente ng Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa salaysay ni Aban, inaya sila ng biktima kasama ang tatlo pang menor de edad na maligo sa ilog at habang kasalukuyang lumalangoy ay napansin niyang naglaho si Domine.

Nang hindi mahanap sa lugar ang biktima ay agad tumawag ng Rescue Team ang grupo ni Aban na agad namang nagtungo sa lugar.

Limang oras pa ang lumipas ng matagpuan ng mga tumugon na rescue team ang biktima na wala nang malay na agad dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on Arrival.