Kylie marries Aljur
-- Advertisements --

Nagpahiwatig sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa pagsisimulang muli sa “smooth-sailing” na takbo ng buhay may-asawa.

Ito’y matapos magpahayag ang 28-year-old actress patungkol sa kahalagahan ng pamilya lalo sa tuwing may pagdaraanang pagsubok.

Sa panig naman ng 30-year-old actor, nag-post ito ng larawan ni Kylie nitong International Women’s Day kung saan makikita ang iba’t ibang face expression ng tinawag nito bilang kanyang reyna.

Kylie Aljur OK again

May mga nakapansin na may suot na uli si Kylie na singsing sa kanyang daliri.

Ang pagkakaayos nina Padilla at Abrenica ay kasunod ng insidente kung saan naospital ang kanilang anak matapos makagat ng aso.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay mabuti na ang kalagayan ng panganay nilang si Alas Joaquin kung saan nakakapagbiro pa raw ito na patunay na mas matapang pa kaysa sa kanyang papa at mama.

“So unbelievably proud of this boy. He is strong, he is resilient and he has such a wonderful sense of humor. Even through the scariest time of his life he proved to be even stronger than even mama and papa,” ani Padilla.

“This time we had together has bonded us even more. It is truly through struggle we find strength and a new perspective and it is life’s way of teaching us to appreciate what we have and what is front of us. Family through and through,” dagdag nito.

Noong nakaraang buwan nang magdulot ng ispekulasyon sa kani-kanilang fans ang misteryosong posts ng celebrity couple.

Dito ay naging kapuna-puna na wala na sa IG account ng anak ni Robin Padilla ang mga larawan ni Aljur, idagdag pa ang larawan ng kanyang kanang kamay kung saan hindi na suot ang wedding ring with matching caption na “free.”

Burado na ang naturang picture pero may mga netizen ang mabilis na nakapag-screenshot.

May hugot din ito sa pagiging “submissive, but not stupid,” at ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Habang kay Aljur, may hawak siyang rosaryo kung saan nagdasal aniya siya kaya nagkaroon ng peace of mind.

Taong 2017 nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018 at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nitong “Bad Boy in Philippine Showbiz” dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.