-- Advertisements --
image 167

Ibinabalik na ang mga pangunahing serbisyo sa kabisera ng Ukraine na Kyiv pagkatapos ng pinakahuling pag-atake ng Russia sa mga kritikal na imprastraktura, habang ang mga residente ay nababalot sa makapal na fog o hamog sa lugar.

Sinabi ni Mayor Vitali Klitschko na ang isang-kapat ng Kyiv ay nanatiling walang heating supply ngunit ang sistema ng metro ay bumalik sa serbisyo at ang lahat ng mga residente ay muling nakakonekta sa supply ng tubig sa madaling araw.

Humigit-kumulang isang-katlo lamang ng lungsod ang nanatiling walang kuryente, aniya, ngunit ipatutupad pa rin ang mga emergency outage upang makatipid ng kuryente.

Sinabi ng mga opisyal ng Ukrainian na nagpaputok ang Russia ng higit sa 70 missiles noong Biyernes sa isa sa pinakamabigat na barrage nito mula noong pagsalakay ng Kremlin noong February 24, na nagpilit sa mga emergency blackout sa buong bansa.

Ayon kay Ukranian President Volodymyr Zelensky, nagawa ng Ukraine na ibalik ang kapangyarihan sa halos anim na milyong tao sa huling 24 na oras.

Kung matatandaan, nagbabala si Kyiv Mayor Klitschko tungkol sa isang senaryo ng “apocalypse” para sa kabisera kung magpapatuloy ang mga air strike ng Russia sa imprastraktura, bagama’t sinabi rin niya na wala pang pangangailangan para sa mga tao na lumikas sa nasabing lugar.