-- Advertisements --
BSP 2 Manila

Tumaas pa ang kumpiyansa ng negosyante sa ekonomiya ng bansa para sa second quarter ng 2023.

Kasunod ito ng umangat na pangkalahatang confidence index (CI) kumpara sa first quarter ng taon.

Ito ay sumasalamin sa pagtaas ng porsyento ng mga positibo ang pananaw at pagbaba sa porsyento ng mga negatibong pagtingin sa nasabing quarter.

Ang optimismo ng mga respondent na kompaniya ay nag-ugat sa kanilang mga inaasahan sa: (a) pagtaas ng benta at produksyon dahil sa mas malakas na pangangailangan para sa mga produkto at serbisyo sa lahat ng sektor, (b) patuloy na pagbawi pagkatapos ng pandemya, (c) ganap na muling binuksang ekonomiya, (d) pagpapagaan ng inflation, at (e) pagtaas ng demand para sa ilang mga produkto at serbisyo sa panahon ng tag-init.

Gayunpaman, ang sentimiyento ng negosyo para sa third quarter ng 2023 at sa susunod na 12 buwan ay hindi gaanong masigla dahil ang pangkalahatang confidence index ay bumaba mula sa mga resulta ng survey noong nakaraang quarter.