Pinabulaanan ng kompaniyang Tentay Food Sauces, Inc. na gumagamit sila ng synthetic acetic acid sa kanilang mga produkto.

Sinabi ni kanilang president CEO Velia Cruz, na kanilang iimbestigahan ang kanilang mga suppliers.

Gawa aniya sa vinegar concentrate, tubig, ganon din sa cloudifying agent para lumabas na naturally fermented ang suka.

Ipinagmalaki pa nila na nagsusuplay sila ng kanilang mga produkto sa ibang bansa gaya sa Japan, Australia, Taiwan, Saipan, Guam, US, Middle East subalit wala namang reklamo silang natanggap sa nasabing mga bansa.

Magugunitang isa ang nasabing brand sa lumabas na pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) na gumagamit ng synthetic acetic acid.