-- Advertisements --
Itinalaga ng Malakanyang bilang bagong Director General ng Food And Drugs Administration (FDA) si Department of Health (DOH) Undersecretary , Atty. Paolo Teston.
Sa kaniyang ginawang pagpupulong sa mga empleyado ng FDA, tiniyak nito ang pagbabalik ng tiwala ng publiko sa kanilang opisina.
Nais nitong pataasin ang standard ng serbisyo na may integridad sa FDA.
Magsasagawa ito ng pag-aaral sa nasabing ahensiya kabilang ang pagsasagawa ng inspection , licensing at monitoring para matiyak na ang mga produkto ay ligtas.
Bago ang pagkakatalaga niya sa FDA ay namuno si Teston sa Health Regulation and Facility Development Cluster (HRFDC) ng DOH.
Papalitan ni Teston si Dr. Samuel Zacate na dating presidential physician at itinalaga noong 2022.