Nanindigan ang Kataas-taasang Hukuman na kinakailangan aprubado muna ng Court En Banc ang pagsasapubliko sa kopya ng SALN o Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth ng mahistrado.
Ito mismo ang inihayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting patungkol sa pagkuha o pag-release sa naturang dokumento.
Ayon sa kanya, maaring hilingin ang kopya ng SALN, Personal Data Sheet, at Curriculum Vitae ng mga mahistrado sa Office of the Clerk of Court sa pamamagitan ng pagsusumite ng request form mula sa website ng Supreme Court.
Giit niya’y dapat malinaw o tukuyin sa form ang layunin sa paggamit ng dokumento naglalaman ng impormasyon patungkol sa declarant.
Habang dadag ni SC Spokesperson Atty. Ting na sa kasalukuyan ay kanilang ina-update ang mga patakaran at form nito para sa pag-access ng impormasyon.