Ipinatitigil muna ng Kataas-taasang Hukuman sa Commission on Elections, Bangsamoro Transition Authority, at mga awtoridad ang implementasyon ng Bangsamoro Act No. 77.
Sa isinagawang En Banc Session ng Korte Suprema, nag-isyu ito ng Temporary Restraining Order kontra sa napasabatas ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025.
Ayon sa Supreme Court, ang naturang T.R.O. ay agaran epektibo habang nakabinbin at hinihintay pa ang pinal na resolusyon sa kaso.
Kaugnay ito sa inahaing petisyon ng ilang grupo at indibidwal na kumokwestyon sa legalidad ng naturang batas.
Buhat nito’y inutusan ng Korte Suprema ang Commission on Elections at Bangsamoro Transition Authority na isumite ang kanilang kumento hinggil sa mga petisyon inihain kaugnay sa naturang batas.
















