Koo Hara
Koo Hara/ IG post

Natagpuang patay sa kaniyang bahay ang South Korean singer at actress Goo Hara sa kaniyang bahay sa Seoul.

Ang 28-anyos na si Goo ay dating miyembro ng K-Pop group na Kara na sumikat noong 2008.

Lumabas ito sa ilang mga television at naglabas din ito ng sariling album.

Maraming fans naman ng grupo ang nabigla sa balita kung saan nagpaabot sila ng kanilang pakikiramay sa social media.

Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang nasabing insidente.