-- Advertisements --

Usap-usapan ngayon ang pagkompronta ni Chinese President Xi Jinping sa kanyang counterpart na si Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos ang pagtatalo nila ukol sa kanilang mga “leaked discussions.”

Nakangiting nakipag-usap si Xi kay Trudeau sa Mandarin ngunit ang English translation pala ay nakakagulat na at medyo hindi maganda at hindi kaaya-aya.

xi Justin Trudeau 1
Face-off: Chinese President Xi Jinping and Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Giit ng translator ni President Xi, lahat umano ng napag-usapan nila sa Group of 20 Summit sa Indonesia ay na-leak sa mga papeles na kung saan hindi naman daw nararapat.

Ayon kay Xi, kung may katapatan daw sa bahagi ni Trudeau, gagawin daw nila na may paggalang ang talakayan dahil kung hindi ay magkakaroon daw ito ng hindi magandang kahihinatnan.

Makikita sa ating video ang face off ng dalawang world leaders.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang gobyerno ng Qatar matapos nilang pigilan ang isang journalist sa kanilang isinasagawang live coverage bago ang opening ng biggest sporting event na FIFA World Cup.

Ayon sa mamamahayag, binantaan umano sila ng mga pulis na sisirain ang kanyang gamit na camera.

Makikita sa video na tinakpan ng ilang Qatari police ang camera ng reporter.

Una rito, nakuha naman daw ng journalist ang mga tamang akreditasyon para makapag-ulat mula sa mga pampublikong lugar ukol sa gaganaping FIFA World Cup.