ROXAS CITY – Binigyan ng limang araw ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pamunuan ng Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services (CCWDFS) para makapagsumite ng verified motion to lift order sa ipinalabas na cease and desist order (CDO) ng ahensiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Atty. Russel Ildesa, director ng SEC Region 6, sakaling mabigo ang pamunuan ng “double your money” investment scheme na makasumite ng verified motion to lift order sa commission en banc, magiging permanente na ang CDO.

-- Advertisement --

Kapag nangyari ito ay hindi na maaaring makapag-operate pa ang CCWDFS ni Patroceño Don Chiyuto.

Welcome naman kay Atty. Ildesa ang plano ng loyal supporters at investors ni Chiyuto na magpadala ng manifesto sa tanggapan ng SEC para umapela na bawiin na lamang ang cease and desist order na ipinalabas ng ahensiya.