Reading Time: 1 minute
Tim Conway
Tim Conway

Pumanaw na ang komedyanteng si Tim Conway sa edad 85.

Ayon sa kaniyang kampo, binawian ito ng buhay sa kaniyang bahay sa Los Angeles care facility.

Sinasabing ang sanhi ng kamatayan nito ay ang labis na tubig sa kaniyang utak.

Nakilala si Conway sa “The Carol Burnett Show” noong 1975.

Ilan sa mga pelikula kung saan kasama siya ay ang “Air Bud 2”, “Dear God”, “Cannonball Run II” at maraming iba pa.