Nangunguna sa listahan ng New York Knicks para maging bagong head coach si Tom Tibodeau.

Tom Tibodeau
Tom Tibodeau/ Twitter image

Si Thibodeau ay naging coach ng Chicago Bulls at Minnesota Timberwolves.

Dinala niya sa Eastern conference finals ang Bulls noong 2011 sa panahon ni Derrick Rose habang unang pinatapak niya sa playoff sa loob ng 14 taon ang Timberwolves noong 2018.

Ilan sa mga napipintong napipili ng Knicks ay sina dating Brooklyn Nets mentor Kenny Atkinson at ang kasalukuyang interim coach Mike Miller.

Sinabi naman ng bagong pangulo ng Knicks na si Leon Rose na baka sa susunod na mga linggo ay papangalanan na nila ang kanilang bagong napiling coach.