Nagpaalam na si Tom Thibodeau sa New York Knicks at sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang full-page ad, matapos siyang sibakin bilang head coach ng nasabing koponan.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Thibodeau sa mga fans, at sa kanyang coaching staff, habang inalala ang kanyang limang taon na pananatili sa koponan na tinawag niyang pangarap na trabaho.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naabot ng Knicks ang Eastern Conference Finals ngayong season, first time na maituturing sa loob ng 25 taon.
Samantala may kabuuang 226-174 na record si Thibodeau sa regular season at 24-23 sa playoffs.
Matatandaan na pinatalsik siya tatlong araw matapos ang Game 6 na pagkatalo sa Indiana Pacers habang noong Hulyo 2024, pumirma siya ng tatlong taong extension na nagkakahalaga ng $10–11 million kada taon.
Samantala, nahihirapan ang Knicks sa paghahanap ng ngayon ng kapalit ni Thibodeau. Tumanggi ang ilang koponan sa NBA na payagan ang Knicks na makipag-usap sa kanilang head coaches. Kabilang dito sina Jason Kidd ng Dallas Mavericks, Quin Snyder ng Atlanta Hawks, Billy Donovan ng Chicago Bulls, Chris Finch ng Minnesota Timberwolves, at Ime Udoka ng Houston Rockets.
Sa ngayong ay ‘di pa malinaw kung sino ang susunod na magiging head coach ng Knicks habang nagpapatuloy ang kanilang paghanap.