-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Indiana Pacers para makapasok sa NBA Finals.

Inilampaso kasi nila ang New York Knicks 130-121 para makuha ang 3-1 na kalamangan sa kanilang best-of-seven Eastern Conference Finals.

Bumida sa panalo ng Pacers si Tyrese Haliburton na mayroong 32 points, 15 assists at career high na 12 rebounds.

Siya rin ang tinanghal na unang manlalaro ng NBA playoff na mayroong 30-15-10 at no turnovers.

Nagdagdag naman ng 30 points si Pascal Siakam habang mayroong 20 points si Bennedict Mathurn .

Pinuri ni Indiana coach Rick Carlisle si Mathurin dahil siya ang nagdala ng malaking kalamangan para sa Pacers.

Sinabi ni Haliburton na sinubukan lamang niyang maging agresibo at tapatan ang Knicks.

Hindi naman umubra ang nagawang 31 points ni Jalen Brunson, habang mayroogn 24 points, 12 rebounds si Karl Anthony Towns habang mayroong 22 points si OG Anunoby at 17 points si Mikael Bridges para sa Knicks.