-- Advertisements --

Nakapagtala si Pascal Siakam ng 31 points at tatlong block para tulungan ang Indiana Pacers na makamit ang panalo laban sa New York Knicks, 125-108, sa Game 6 ng Eastern Conference Finals nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas). Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula noong 2000 na nakapasok ang Pacers sa NBA Finals.

Una rito si Siakam ang kinilala bilang MVP ng Eastern Conference Finals. Kasama rin sa mga nanguna sa Indiana sina Tyrese Haliburton na may 21 points, 13 assists, at 3 steals, pati na rin sina Obi Toppin (18 points) at Andrew Nembhard (14 points at 6 steals).

Samantala makakalaban ng Pacers ang Oklahoma City Thunder, ang kampeon ng Western Conference, sa NBA Finals na magsisimula sa Huwebes sa Oklahoma City.

Sa kabilang banda, si OG Anunoby ang nanguna sa Knicks na may 24 points, sinundan ni Karl-Anthony Towns na may 22 points at 14 rebounds. Nag-ambag din sina Jalen Brunson (19 puntos) at Mikal Bridges (15 puntos).

Nanatiling dominante ang Pacers sa fastbreak points (106-48) at shooting efficiency, na may 54.1% mula sa field at 51.5% mula sa 3-point range.