Usap-usapan na ang nakatakdang pag-uusap ng New york Knicks para sa dating dalawang natanggal na NBA head coaches na sina Mike Brown at Taylor Jenkins upang makapaghatid sa kanila ng mas malalim na tagumpay sa mga susunod na season.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng paghahanap ng Knicks ng bagong head coach matapos nilang sibakin si Tom Thibodeau noong nakaraang linggo, matapos matalo sa Eastern Conference Finals kontra India Pacers at tinatayang unang beses na umabot sa round sa loob ng 25-taon.
Matatandaang si Brown ay dating coach ng Sacramento Kings at dalawang beses nang pinarangalan bilang NBA Coach of the year. Samantalang si Jenkins ay dating coach ng Memphis Grizzles at pinatalsik noong Marso sa kabila ng magandang standing ng koponan sa West.
Nabatid na hindi pinayagan ng ilang NBA teams ang Knicks na makapanayam ang kanilang mga kasalukuyang coaches gaya nina Jason Kidd (Mavericks), Chris Finch (Timberwolves), Ime Udoka (Rockets), at Quin Snyder (Hawks).