-- Advertisements --

Pinangunahan ni Karl-Anthony Towns ang New York Knicks sa kanilang panalo laban sa Indiana Pacers, 106-100, sa Game 3 ng Eastern Conference Finals.

Bagamat may apat na puntos lamang si Towns sa unang tatlong quarters, umarangkada siya sa 4th quarters kung saan nagtala siya ng 20 points at nagtapos na may kabuuang 24 points at 15 rebounds.

Ang Game 3 ay muling nagpasabik para sa Knicks kung saan nagiwan ng 20 points sa second quarter at 10 points para sa pagtatapos ng third quarter.

Isang malaking triple shoot ang pinakawalan ni Towns sa huling bahagi ng laban na nagbigay ng 94-90 abante sa New York.

Dumagdag din si Jalen Brunson na may 23 points (10-of-10 sa free throws), habang sina OG Anunoby at Mikal Bridges ay nag-ambag ng 16 at 15 points.

Para sa panig ng Pacers, nanguna si Tyrese Haliburton na may 20 points. Ngunit bumagal ang opensa ng Indiana sa second half, na nagtala lamang ng 42 points at nadomina sa fourth quarter, 36-20.

Ang Knicks ay babalik sa Indianapolis para sa Game 4 sa Martes (oras sa Pilipinas), layuning itabla ang best-of-seven series sa 2-2.