-- Advertisements --

Ibinigay ng Philadelphia 76ers ang ikatlong sunod na talo ng New York Knicks matapos patumbahin ng sixers ang knicks sa iskor 130-119

Pinangunahan ni Tyrese Maxey ang kopanan ng sixers kung saan nakapagtala ito ng 36 na puntos habang malaki naman ang naging ambag ni Joel Embid na kumana naman ng 26 na puntos at 10 rebounds. 26 na puntos din ang naitulong ni VJ Edgecombe, 15 na puntos naman mula kay Paul George. 

Nasayang naman ang kinamadang 31 na puntos ni Jalen Brunson para sa koponan ng New York Knicks, gayundin ang ambag ng kakabalik lang galing injury na si Karl-Anthony Towns kung saan nakapagtala naman ito ng 23 na puntos at 14 na rebounds. 

Una pang nakalamang ang Knicks sa pagsisimula ng laro ngunit nakaabot ang Sixers at tinapos ang unang quarter sa iskor na 31-30. 

Sa pagpasok sa second quarter ay humabol pa ang Knicks kung saan nakalamang pa ito dahil sa back-to-back 3-pointer shot nila OG Anunoby at Jordan Clarkson, sinundan naman agad ito ng Sixers ng magandang opensa at bumbwelta ng 13 kalamangan sa pagtatapos ng halftime. 

Samantala, hindi na muling nakahabol pa ang Knicks sa laro dahil sa magandang opensa na ipinakita ng Sixers kung saan sinilyohan na ni Maxey ang kanilang panalo matapos ipasok nito ang 3-pointer shot sa crucial time ng 4th quarter.