-- Advertisements --

Nagsimula ng naging aktibo muli ang Klyuchevskoy volcano sa Kamchatka peninula matapos ang pagtama ng malakas na lindoll sa Russia.

Ayon sa Russian Academy of Sciences’ United Geophysical Service, nagbuga ng abo at lava ang nasabing bulkan ilang oras matapos ang lindol.

Matatagpuan ang bulkan sa may 450 kilometers ng hilagang bahagi ng Petropavlovsk-Kamchatsky.

Ang Klyuchevskoy volcano ay isa sa mga pinakamataas na bulkan sa buong mundo.

Magugunitang tumama ang magnitude 8.8 na lindol sa Kamchatka region na nagresulta sa pagkasira ng maraming gusali at pagkasugat ng ilang residente subalit walang naitalang nasawi.

Dahil sa nasabing lindol ay itinaas ang tsumani warning sa maraming bahagi ng mundo.