Duterte call coronavirus
Pres. Duterte

Sinuspendi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa lahat ng antas sa Metro Manila simula bukas March 10 hanggang 14.

Ayon sa Pangulo, ang nasabing hakbang ay p ara na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral dahil sa banta ng novel coronavirus o COVID-19.

Sa ganitong paraan aniya ay mababawasan ang mga madadapuan ng nasabing virus.

Nilinaw naman nito na dapat ang mga mag-aaral ay ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kanilang bahay.

Ang nasabing desisyon ay base na rin sa napagkasunduan sa pagitan nina Department of Education Secretary Leonor Briones at Department of Interior and Local Government (DILG).

Ibinunyag din ng pangulo na umabot na sa 24 ang kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.