Lumubo ang kita ng Philippine Ports Authority sa unang kalahating taon ng 2025 sa ₱14.68 billion.
Ayon sa ahensya nalampasan nito ang target na ₱13.77 billion kung saan mas mataas ito ng halos ₱1 bilyon .
Tumaas ng 13.7% ang kita ng PPA kumpara noong 2024, ayon kay General Manager Jay Santiago, dahil sa pagdami ng vessel at cargo traffic, pagtaas ng storage fees, at mga regulasyon.
Ito ay bumuo ng ₱8.69 bilyon, o 59% ng kabuuang kita. Lumampas ng 71.95% ang net income bago buwis sa nakaraang taon, na umabot sa ₱7.7 bilyon, habang bumaba naman ng 17% ang kabuuang gastos.
Maaalalang mismong si DOTr Secretary Vince Dizon at GM Santiago ay bumisita sa Luzon International Container Terminal (LICT) sa Batangas.
Ang naturang proyekto ay kauna unahang fully automated container terminal sa bansa na gumagamit ng AI at driverless haulers.
Sa ngayon ay walang patid ang PPA sa pagpapatupad ng modernisasyon at automation sa kanilang mga port systems.