Dedmon Dewayne
Dewayne Dedmon/ IG post

Minultahan ng $50,000 ng NBA si Sacramento Kings center Dewayne Dedmon.

Ito ay dahil sa pag-komento sa publiko na nais niya ng mai-trade sa ibang team.

Ayon sa NBA na ang ginawa ng manlalaro ay nakakasira ng imahe sa koponan.

Naganap ang insidente ng ito ay kapanayamin at tahasang sinabing nais niyang mailipat sa ibang koponan.

Noong nakaraang taon ay minultahan si New Orleans Pelicans star Anthony Davis ng $50,000 matapos na isapubliko ng kaniyang agent ang trade request.