-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyong Tino at Super Typhoon Uwan si King Charles III.

Sa mensahe nito sa pamamagitan ng British embassy sa Manila, ay labis itong nababahala sa magkasunod na mapaminsalang bagyo sa bansa.

Labis ang kalungkutan nito kasama ang asawa niyang si Queen Camila ng malaman na maraming buhay ang nalagas dahil sa bagyo.

Una ng nagpaabot ng pakikiramay ang ilang bansa gaya ng US, Canada, Australia, Ireland, United Arab Emirates at European Union.

Inanunsiyo rin ng US na magbibigay itong $1-milyon na tulong para sa biktima ng bagyo at lindol sa Cebu habang ang China ay magbibigay din ng $1-M na cash para sa tulong sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Tino at Uwan.