Masayang ibinahagi ng reality star at model na si Kim Kardashian ang pagiging abogada na nito.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang ilang larawan at video na ang background ay tila nasa graduation ceremony.
Maririnig din ang boses ng kaniyang kapatid na si Khloe na nagsabing “surprise graduation”.
Sinabi naman ni Jessica Jackson, ang abogado kung saan nagtrabaho si Kardashian sa kaniyang pag-aaral na determinado ang modelo na matapos ang abogasya.
Wala umanong shortcut itong ginawa at sa halip ay ipinakita ang labis na pagsisikap.
Dagdag pa nito na naging saksi siya sa ginawang pagsisikap ni Kardashian na binuo niya ang mahigit na anim na taon na pag-aaral at 5,184 na oras ng legal study.
Ang advocacy ni Kardashian ngayon ay criminal justice kung saan nagresulta sa pagpapalaya sa ilang mga katao gaya ni Alice Marie Johnson na first-time nonviolent drug offender kung saan hinikayat nito si President Donald Trump na palayain ito noong 2018.