-- Advertisements --
Mas lumawak pa ngayon ang nagaganap na kilos protesta sa Iran.
Nagsimula ang kilos protesta noong halos dalawang linggo dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Iran.
Ayon naman sa Human Rights Activist News Agency (HRANA) na aabot na sa 48 katao ang nasawi.
Kinumpirma rin ng Iranian government na kanilang pinutol ang suplay ng internet para hindi maipakalat ang mga kaganapan sa loob ng Iran.
Mula ng magsimula ang kilos protesta noong Disyembre 28 sa Tehran ay kumalat na ito sa 16 bayan iba pa.
Ibinabala rin ni US President Donald Trump na sila ay mangingialam na kapag lumala pa ang sitwasyon sa Iran.
















