-- Advertisements --

Handa parin sa second chance ang dating NLEX point guard na si Kiefer Ravena sa PBA kung mabibigyan aniya ito ng pagkakataon na makabalik sa paglalaro.

Si Ravena ay dating No. 2 overall pick ng Road Warriors noong 2017 PBA Draft.

Ngunit kinokonsider rin umano ni Ravena ang desisyon ng kanyang asawang si Diane Mackey na former beauty queen.

‘Obviously, my mar­riage is a big part of the deci­sion whether or not we try to settle down back home or try it out for a couple of more years here,’ wika ni Ravena.

Maaalalang unang sumalang si Ravena sa B.League para sa Shiga Lakes bilang import noong taong 2017 hanggang 2021.

Habang naglista si Ravena ng mga avera­ges points na 9.7, 1.7 rebounds, at 3.3 assists sa naging 32 games nito para sa B-Corsairs.

‘We’ll see. I still have this season to finish and see where it goes ‘di ba?’ dagdag ni Ravena.

Kaugnay nito na hindi pina­ya­gan noon ng NLEX na umalis si Ravena at maglaro sa B.League ngunit sa huli ay pi­na­kawalan din siya ng Road Warriors ni dating coach Yeng Guiao.

Hindi naman nito tinalikuran ang pagkilala at pasasalamat sa dating team.

‘To be honest, I really owe a lot to NLEX. Kasi kung hindi naman nila ako pi­nayagan in the first place, I wouldn’t be here. So, it’s just right for me to give back to the team that allowed me to go to greener pastures and help them get back to the winning ways,’ pahayag ng two-time UAAP champion guard ng Ateneo Blue Eagles.