Kumamada ng season high na 30 points si Lou Williams upang pangunahan ang Los Angeles Clippers sa pagtambak sa Cleveland Cavaliers, 128-111.

Ito na ang ikapitong magkakasunod na talo ng Cavs.

Hindi naman nakalaro sa Clippers ang dalawa nilang superstars na sina Kawhi Leonard at Paul George subalit apat namang players ang kulang sa Cavs na kinabibilangan nina Andre Drummond (rest), Matthew Dellavedova (concussion), Larry Nance Jr. (left hand fracture) at Kevin Love dahil din sa injury.

Si Williams na naging three-time Sixth Man of the Year ay nagtala rin ng season-high na 10 assists.

Sa ngayon ang Clippers ay may 20-8 record, habang ang Cavs ay nasadlak pa sa 10-18.

-- Advertisement --