Nagsama-puwersa sina Kawhi Leonard na may 28 points at si Paul George na nagdagdag ng 27 para idispatsa ng Los Angeles Clippers ang New Orleans Pelicans 111-106.

Sinamantala ng Clippers ang kawalan ng starters ng Pelicans na sina Zion Williamson, Lonzo Ball at Eric Bledsoe.

Sinasabing isyu pa rin sa COVID protocols ang hindi paglalaro ng mga ito.

Para naman kay George ito na ang ikatlong sunod na game na nag-average siya ng at least 25 points at five assists, dahilan upang pantayan ang kanyang dating career record.

Hawak na ngayon ng Clippers ang 8-4 record samantalang nasadlak naman sa 4-6 ang New Orleans.

Sa Sabado haharapin ng Pelicans ang Los Angeles Lakers.

Ang Clippers naman ay makikipagtuos sa Sacramento Kings.