-- Advertisements --

Nahalal bilang bagong prime mnister ng Japan si Sanae Takaichi.

Ang 64-anyos na si Takachi ay siyang unang babaeng Prime Minister na nahalal sa Japan.

Mayroong kabuuang 237 boto mula sa powerful Lower House at 125 na boto sa Upper House bilang lider ng ruling Liberal Democratic Party (LDP).

Siya rin ang pang-apat na Prime Minister na nahalal sa loob ng limang taon kung saan ang mga sinundan niya ay maagang natapos ang termino dahil sa mababang ratings at mga kinakaharap na scandals.

Nahaharap ito ngayong sa malaking hamon sa ekonomiya ng Japan at bukod pa doon ay ang relasyon ng Japan sa ibang bansa gaya sa South Korea at China.

Humawak na rin ito ng ilang ministerial roles sa ilalim noon ng namayapang si PM Shinzo Abe.

Inaasahan na magkakaroon ng mga itatalagang bagong gabinete si Takachi.