-- Advertisements --

LA UNION – Tumataas umano ang naitatalang kaso ng Covid 19 sa bansang Singapore.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay news correspondent Antonet Victory, na tubo ng Barangay Madayegdeg, San Fernando City, La Union at anim na taon ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa nasabing bansa, hindi bababa sa 30 ang naitatalang kaso ng Covid 19 sa isang araw kung kaya naka lockdown ang nasabing bansa mula pa noong April 4 hanggang sa ngayon.

Gayunman, hindi umano apektado ang kanilang trabaho maliban lamang sa day off nila tuwing linggo.

Ayon pa sa kanya, takot rin silang lumabas dahil sa may kaakibat itong multa na aabot sa $300 o P10,000 pesos.

Gayunman, pinapahintulotan silang lumabas kapag pupunta sa remittancen center at kailangan may resibong ipapakita sa mga otoridad bilang katibayan.

Samantala, hindi naman umano sila pinababayaan ng Singaporean Government kung saan tinutulungan naman sila sa kanilang mga hinaing.

Sa buong Asean country, nasa ikatlong puwesto ang basang Singapore habang nasa unahan naman ang Pilipinas na may naitalang 4,932 ng Covid 19.