CEBU – Umakyat na sa 4,137 ang COVID-19 total confirmed cases sa lungsod ng Cebu kung saan nasa 2,078 ang active cases matapos nadagdagan ng 122 na kaso ngayong araw.
Sa datos ng Cebu City Health Department nasa 13 naman ang naka-recove nitong Huwebes dahilan ng pag-akyat ng recoveries sa 2,001 habang nasa 58 na ang kabuuang namatay sa COVID-19 sa lungsod matapos nadagdagan ng 10.
Samantalang hindi pa papahintulutang mag-operate ang Cebu South Bus Terminal matapos isina-ilalim ulit sa Enhanced Community Quarantine ang Cebu City.
Ito ang binigyang diin ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia kung saan wala munang papayagan na bus na papasok sa lungsod. Kaugnay nito, magsisilbing temporary terminal sa mga buses na bibiyahe papuntang Southern portion ang Lantaw sa SRP Talisay City samantalang mananatili sa Consolacion ang temporary terminal para sa pupuntang Northern portion ng lalawigan.
Gayunman, mananatili pa ring bagsakan center ang Cebu South Bus Terminal para sa mga gulay at iba pang produktong pagkain mula sa ibang lugar ng lalalwigan na pwedeng mabili via whole sale.
Napag-alaman na isa ito sa nakitang paraan ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia para sa mga natatakot na pupunta pa sa Carbon Public Market dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.