-- Advertisements --

Ayon sa pinakabagong National Risk Assessment (NRA) ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), nananatiling mataas ang banta ng money laundering sa Pilipinas dahil sa laganap na krimen gaya ng drug trafficking, financial fraud, tax evasion, at korapsyon.

Iniulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nanatiling mataas ang banta ng money laundering sa Pilipinas ayon sa kanilang pinakabagong National Risk Assessment (NRA). Paliwag ng ahensya dahil ‘yan sa laganap na krimen gaya ng drug trafficking, financial fraud, tax evasion, at korapsyon.

Kung kaya’t ayon sa AMLC, mabilis na tumataas ang mga pamamaraan ng money laundering sa bansa, kabilang ang paggamit ng digital platforms, cryptocurrency, junket operators, at cross-border schemes sa pamamagitan ng offshore platforms at remittance networks.

Bagama’t mataas ang banta, may medium vulnerability ang bansa, kung saan ipinapakita ang mas malakas na kapasidad ng institusyon, mas mahigpit na regulasyon, at mas epektibong koordinasyon sa loob ng bansa.

Ayon kay AMLC Executive Director Matthew David, ang NRA ay nagbibigay ng batayan para sa national security ng bansa laban sa lumalalang financial crime, at nagpapatunay ng commitment ng gobyerno sa transparency.

Napagalaman naman na ilang mga sector ang apektado ng banta sa money laundering tulad ng mga casino, real estate, money service businesses, at virtual asset service providers, habang nasa medium naman ang banking, securities, pawnshops, lawyers, at accountants.

Mababa naman ang panganib sa insurance sector at national savings and loan associations.

Bukod dito, tinatayang nasa medium naman ang panganib mula sa terrorism financing at proliferation financing. Bagama’t bumaba ang panganib ng terrorism financing mula sa “high threat” noong nakaraang ulat, nananatiling mataas ito sa conflict zones sa Mindanao at ilang cross-border transfers.