-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 05 09 49 25
IMAGE | Divisoria/The National

Patuloy umanong tumataas ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Delta variant sa mga komunidad base sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health (DoH).

Ayon sa DoH mayroon na raw silang na-detect na 516 Delta variant cases, 73 Alpha variant cases, 81 Beta variant cases, at 41 P.3 variant cases sa pinakahuling batch ng whole-genome sequencing na inilabas lamang kahapon.

Sa 516 Delta variant cases, 473 dito ang local cases, 31 ay mula sa mga Returning Overseas Filipinos (ROF) at 12 cases ang binibirepika pa kung ito ay local o ROF cases.

Kabilang sa 473 local cases ang114 cases mula sa National Capital Region (NCR); 24 cases sa Ilocos Region; 32 cases sa Cagayan Valley; 64 cases sa Central Luzon; 79 cases sa Calabarzon; 20 cases sa Mimaropa;16 cases sa Bicol Region; 13 cases sa Western Visayas; 23 cases sa Central Visayas; 12 cases sa Zamboanga Peninsula; 48 cases sa Northern Mindanao; 22 cases sa Davao Region; anim sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Base naman sa case line list, anim ang active cases, lima ang namatay at 505 cases ang mga naka-recover.

Base sa data na mula DoH at University of the Philippines-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health, mayroon nang total na 748 samples ang isinumite ng 67 na laboratoryo, collecting institutions at iba’t ibang Regional Epidemiology and Surveillance Units.

Papalo na ngayon sa 1,789 ang Delta variant cases habang ang Alpha variant cases ay 2,395 habang ang Beta variant cases ay nasa 2,669.

Sa statement ng ng DoH, habang nananatili raw na mataas ang kaso ng Alpha at Beta variants sa bansa ay patuloy din ang pagtaas ng detection ng Delta variant sa mga komunidad.

Dahil dito, muling hinimok ng DoH ang ating mga kababayan na sumunod lagi sa mga minimum public health standards at magpabakuna na laban sa COVID-19.

Ito raw ang nakikitang paraan ng DoH para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.